Nakatanggap ng ₱100,000 cash aid mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 3 centenarian citizen mula sa Kalamansig, Sultan Kudarat.
Umabot na sa 52 na centenarians ang nakatanggap ng cash incentive mula sa nasabing rehiyon ngayong araw, Nobyembre 23.
Ayon kay Cezario Joel Espejo, Regional Director ng DSWD-12, ang 3 centenarian ay nakatanggap rin ng felicitation na may pirma ng Pangulong Rodrigo Duterte kasama ng ₱100,000 na cash aid.
Kaugnay nito, simula noong buwan ng Enero ay mas lalo nilang pinatibay ang pagpapatupad ng Republic Act No. 10868 o ang “Centenarian Act of 2016” sa Rehiyon 12 bilang pagsunod sa direktiba mula sa Central Office.
Isa sa mga nakatanggap ng cash aid ay si Lola Libreda Flores na nagdiwang ng kanyang Ika-100 taon noong July 13, residente ng Brgy. Poblacion, ang nagpasalamat sa insentibang bigay ng gobyerno. Ayon kay Lola Libreda, kahit matanda na sya ay ina-alala pa rin sya ng gobyerno.
Dagdag ni Espejo, pinaalalahanan nila ang mga publiko na ipagbigay- alam agad sa Local Government Unit (LGU) kung mayroong kakilalang sasapit na ng ika-100 taong gulang.
Maaaring makipag-ugnayan ang mga kamag-anak ng centenarian citizen sa pamamagitan ng pagpapakita ng birth certificate, pasaporte, Office of the Senior Citizem Affairs ID, marriage certificate, o alinmang ID na maipapakita ang kaarawan ng nasabing centenarian citizen.
(Evangelyn Alvarez | La Verdad Correspondent)
Tags: Centenarian, DSWD 12