3 biktima sa motorcycle accident sa Dasmariñas, Cavite, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | December 8, 2016 (Thursday) | 2714

randy_tmbb
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang banggaan ng dalawang motorsiklo sa Barangay Burol, Dasmariñas City,Cavite kagabi.

Kinilala ang mga biktima na sina Zeeshan Tariq, trenta y seis anyos at isang foreign national at ang magtiyuhin na sina Robert Baculi at Vin Roman Leones, trese anyos.

Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang driver ng motorsiklo habang ang binatilyong angkas naman ay nagtamo ng sugat sa kaliwang binti at hinihinalang deformity.

Agad naman itong nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue.

Matapos mabigyan ng first aid, tumanggi na ang dalawang motorcycle rider na magpagamot pa sa ospital.

Ngunit dinala naman ang pamangkin ni Robert na si Vin sa De La Salle University Medical Center, Dasmariñas, Cavite para sa karagdagang atensyong medical.

(Randy Forastero / UNTV Correspondent)

Tags: , ,