29 pamilya, nakinabang sa proyektong pabahay ng Samar PNP

by Radyo La Verdad | November 26, 2021 (Friday) | 500

SAMAR Maaari nang gamitin ng 29 na pamilya ang nasa P2-M halaga ng proyektong pabahay matapos na mai-turn over ng Samar Provincial Police Office.

Ayon kay dating Samar Police Director at ngayo’y nangunguna sa Regional Mobile Force Battalion Col. Glenn Oliver Cinco, ang naturang proyekto ay para sa mga batang babaeng nabibiktima ng pang-aabuso sa sarili nilang pamamahay.

Ayon naman kay Col. Peter Limbauan na bagong Provincial Police Director, isang magandang hakbang ang proyekto upang makatulong na mapalakas ang tiwala ng mga tao sa mga kapwa PNP.

(Renee Lovedorial | La Verdad Correspondent)

Tags: ,