29 na brgy. sa Calumpit Bulacan, lubog sa baha dahil sa pagpapakawala ng tubig ng Bustos Dam

by Radyo La Verdad | July 26, 2018 (Thursday) | 6708

Patuloy na tumataas ang tubig baha sa Calumpit, Bulacan.

Ito ay dahil bukod sa tubig baha na bumababa galing Nueva Ecija at Pampanga na sinabayan pa ng tubig mula sa Bustos Dam.

Kaya naman nasa dalampu’t siyam na barangay na sa bayan ng Calumpit, Bulacan ang lubog sa baha.

Mistulang naging dagat na ang mga palaisdaan at mga bukid sa Calumpit dahil sa baha.

Binaha na rin ang kalsada sa Barangay Calizon, San Jose, San Miguel at Meysulao dahil sa taas ng tubig sa mga kalsada.

Sa tala ng municipal heath worker, nasa walumpung pamilya at 340 indibidwal na ang nasa mga evacuation sa Calumpit.

 

Tags: , ,