Hindi bababa sa tatlumpu ang nasawi na kinabibilangan ng mga bata at babae ng tamaan ng air stike ang isang refugee camp sa Idlib, Syria.
Sinabi ng Syrian Observatory for Human Rights ang kampo ay para sa mga internally dispslace person.
Sa video footage makikita na nagkukumahog ang mga bumbero sa pag-apula sa apoy na tumupok sa maraming tent na pinaninirahan ng mga refugees.
Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights posible pang tumaas ang bilang ng casualties dahil maraming sugatan ang nasa malubhang kalagayan.
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com