Isa-isa nang itine-turn over ni outgoing Customs Commissioner Alberto Lina sa papalit sa kanya sa pwesto ang mga maiiwang trabaho sa ahensya.
Kahapon muling nagpulong sina Lina at Nicanor Faeldon upang pag-usapan ang magaganap na pagpapalit ng liderato sa ahensya.
Pinag-usapan ng dalawa kung paano magagawang 24/7 ang operasyon ng BOC upang maiwasan na ang port congestion.
Kabilang dito ang isyu kung sapat na ba ang tauhan ng BOC o mangangailangan sila ng karagdagang empleyado.
Ayon kay Lina kasama rin sa natalakay ang modernisasyon ng BOC.
(UNTV RADIO)
Tags: 24/7 operation, outgoing Customs Commissioner Alberto Lina