Nakataas na sa red alert status ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
Dahil dito lahat ng sundalo sa buong bansa ay naka stand-by ngayon sa kani-kanilang mga kampo para sa posibleng deployment.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla, ito’y upang matiyak na handa ang mahigit isang daan libong tauhan nito sakaling kailanganin ng sitwasyon.
Mananatili ang red alert status ng AFP hanggang sa irekomenda na ng mga ground commanders na maaari nang magbaba ng alerto.
Ang Philippine National Police naman ay naka-full alert na rin para sa eleksyon bukas.
(UNTV RADIO)
Tags: AFP