Isang sampung taong gulang na bata sa Finland ang nang-hack ng Instagram.
Nadiskubre din ng batang si Jani na mayroon glitch ang naturang app.
Dahil dito kaya nitong magbura at i-edit ang comment sa naturang site.
Pero dahil mabait itong bata, ini-mail niya ang pamunuan Instagram at tinulungan niya ang mga ito na hanapin ang error at ayusin ito.
Dahil dito binayaran siya ng Instagram ng US$10,000.
Libangan na anya ni Jani at ng kuya nito na maghanap ng bugs sa maraming website.
(UNTV RADIO)
Tags: Instagram
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com