Carnapping incidents sa bansa bumaba ng 73% ngayong taon ayon sa PNP-HPG

by Radyo La Verdad | May 6, 2016 (Friday) | 3221

Pcsupt.-Arnold-gunnacao
Sa pagdiriwang ng ika- 61 taong anibersaryo ng Philippine National Police Highway Patrol Group, ipinagmalaki nito ang pagbaba ng carnapping incidents sa bansa.

Bunsod na rin ito ng Oplan Lambat Sibat at ang visibility ng HPG personnel simula nang magmando sila sa EDSA.

Ayon pa kay HPG Director PCSupt. Arnold Gunnacao, nasa 3 carnapping groups ang kanilang na neutralize.

Sa 143 warrant of arrest na kanilang isinilbi at 10 search warrant, 394 na suspect ang kanilang naaresto, 127 ang kasong naisampa na sa Korte, nasa 187 naman ang nakumpiskang mga baril at 14 ang napatay sa 5 engkwentro.

Sinabi pa nito na nasa 528 ding mga sasakyan ang kanilang na recover kung saan 246 dito ay mga motor vehicle at 282 ang motorcycle.

Sa 528 na mga sasakyan na nabawi, 408 dito ang naibalik na sa mga may ari na kinabibilangan ng 218 na mga kotse at 190 na motorsiklo.

(Lea Ylangan/UNTV NEWS)

Tags: ,