Senado naka full alert sa May 9 elections

by Radyo La Verdad | May 3, 2016 (Tuesday) | 1250

NBC
Tatlong shift ang mga security ng Senado upang matiyak na mababantayang mabuti ang pagdedeliver ng certificate of canvass at election returns
Kahapon nagsagawa na ng simulation sa reception ng COC at E-R sa Senado.

Nakahanda na rin ang generator sets at emergency lights ng Senado sakaling mawalan ng kuryente sa araw ng reception of ER at COC.

Katuwang ng Senado sa pagmamantine ng seguridad ang Philippine National Police.

Iinspeksyuning maigi ang mga papasok sa loob ng gusali ng Senado gamitang may k9 units at ire-record sa cctv ang mga pumapasok at lumalabas na mga tao.

Ngayong araw nagsagawa naman ng occular inspection sa PICC ang pambansang pulisya kung saan isasagawaang bilangan ng mga boto.

Bumuo rin ang PNP ng proposed security plan sa national canvassing site.

Dumating rin ngayong araw si COMELEC Spokesman James Jimenez at inispeksyon ang lugar na gagamitin sa media briefing.

Samantala, nakahanda na rin ang ilang presidential candidates sa huling miting de avance sa Mayo a syete.

Isasagawa ito ni Senador Grace Poe sa Plaza Miranda, sa Makati naman si Vice President Jejomar Binay at sa Luneta Grandstand naman si Mayor Rodrigo Duterte.

Wala pang pinal na iskedyul sina Mar Roxas at Senador Miriam Santiago ng kanilang miting de avance.

Sa miting de avance inaasahang muling ilalatag ng bawat kandidato ang kanilang mga program at plataporma.

(Bryan de Paz/UNTV NEWS)

Tags: