Hiling ni Sen. Bong Revilla , na makaboto sa Cavite, kailangan ng comment ng COMELEC at PNP

by Radyo La Verdad | May 3, 2016 (Tuesday) | 1069

BONG-REVILLA
Maraming dapat na isaalang-alang sa hiling ni Senator Bong Revilla na makaboto sa Cavite.

Ayon sa prosekusyon maaring pagkaguluhan ang senador sa polling precinct kaya kailangang idaan siya sa priority o express lane.

Problema rin ang seguridad dahil kabilang ang Bacoor, Cavite sa election watchlist dahil sa away pulitika, at pagkakaroon ng private armed groups at rebeldeng komunista.

Dahil dito hinihiling ng prosekusyon na magcomment muna ang COMELEC at PNP upang masabi kung logistically feasible ang pagboto ng senador.

Naka-detaine ang senador sa PNP Custodial Center dahil sa kasong plunder kaugnay ng PDAP scam.

(UNTV RADIO)

Tags: