Inalis na sa pwesto ang 24 na tauhan ng Criminal Investigation Region 8 at Regional Maritime Group.
Ito’y matapos ang isinagawang inisyal na imbestigasyon ng PNP sa mga operatibang sangkot sa pagkakapaslang kay dating Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr. at Raul Yap sa loob ng Baybay Sub-Provincial Jail habang nagsisilbin ng search warrant noong Sabado.
Ayon kay PNP PIO Chief PSSupt. Dionardo Carlos, ipinag-utos na ni Chief PNP PDG Ronald “Bato” Dela Rosa na ilipat ang mga ito sa Personnel Holding and Accounting Unit o PHAU sa Kampo Crame habang isinasagawa ng internal affairs service ang mas malalimang imbestigasyon hinggil sa insidente.
Sa binasang statement ni Carlos, tiniyak ni Dela Rosa na walang magiging whitewash sa kanilang isinasagawang imbestigasyon.
Tags: 24 pulis, sangkot sa operasyon sa Baybay Sub-Provincial Jail