24/7 na libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, magsisimula sa Dec. 15-31

by Radyo La Verdad | November 14, 2022 (Monday) | 2440

METRO MANILA – Simula December 15 hanggang December 31, ay 24/7 na ang operasyon ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel.

Ayon sa Department of Transportation (DOTR) ito’y upang bigyang daan ang adjusted mall hours sa Metro Manila at inaasahang dagsa ng mga tao habang papalapit ang holiday season.

Ikinatuwa naman ng mga pasahero ang magandang balita na anila ay makatutulong sa kanila na makatipid sa gitna ng mga tumataas na presyo ng bilihin.

Nakatakdang magtapos ang libreng sakay program sa EDSA Bus Carousel ngayong taong 2022 at hindi na palalawigin dahil sa kakulangan ng budget.

“Wala po tayong budget sa libreng sakay for next year. Hindi po yan naisama sa ating national expenditure program na sinubmit ng department of budget and management sa congress natin na ngayon ay still under deliberation.” ani Department of Transportation Sec. Jaime Bautista.

Tags: