Halos 2,000 pulis at sundalo, ipapakalat sa voting precincts sa Bulacan sa araw ng halalan

by Radyo La Verdad | May 3, 2016 (Tuesday) | 2755

BULACAN
Halos dalawang libong pulis at sundalo ang ipakakalat sa Bulacan upang magbantay ng seguridad, partikular na sa mga voting center sa araw ng halalan, sa isinagawang sendoff ceremony sa Camp Malolos.

Ang mga pulis naman na may kamag-anak na kandidato ay ide-destino muna sa ibang lugar pati na ang mga nagsilbing bodyguard ng mga tumatakbong pulitiko.

Binalaan rin ng COMELEC ang mga pulitiko at supporters nitolaban sa pagsasagawa ng vote buying

“So pag ito’y nahulihan na patunayan na sangkot sa vote buying, yung bumibili at nagbenta ng boto, may kaakibat na parusa yan, not less than one year of imprisonment, and not more than six years of imprisonments without probation.” Pahayag ni COMELEC-PNP Election Supervisor Atty. Lydia Pangilinan.

(Nestor Torres/UNTV NEWS)

Tags: ,