Ngayong mainit ang panahon, madalas nagkaka-brown out dahil sa numinipis ang suplay ng kuryente dahil sa mataas na demand.
Kaya naman sa araw ng eleksyon may mga pangambang kapag nagkapower outage, maapektuhan ang halalan.
Ngunit siniguro ng Smartmatic na gagana pa rin ang mga Vote Counting Machine o VCM, kahit na brownout.
Ayon kay Karen Jimeno ng Smartmatic, may dalawang power sources ang bawat isang VCM.
Samantala, siniguro ng Department of Energy na may sapat na suplay ng kuryente sa araw ng halalan.
Katuwang ng DOE ang ilang ahensiya ng pamahalaan at pribadong kumpanya sa energy sector sa paghahanda upang hindi magkaroon power outage sa araw ng halalan.
Tinutukan din ng husto ng DOE ang Mindanao na madalas na magkaroon ng rotating brownout dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente.
Samantala, sinabi naman ni Atty. Jimeno na may sapat na suplay ng thermal papers para sa halalan.
(Darlene Basingan/UNTV NEWS)