4 na magkaka-hiwalay na aksidente sa Pampanga, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | May 3, 2016 (Tuesday) | 1665

pampanga-tmbb.jpg-2
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue ang banggaan ng motorsiklo at kotse sa kahabaan ng MC Arthur Hi-Way Barangay Sampaloc, Apalit Pampanga, alas otso ng gabi noong Sabado.

Kaagad na nilapatan ng first aid ng UNTV News and Resue ang tinamong sugat sa mukha ng driver ng motorsiklo na si Edmond Eralles, at posibleng bali sa kaliwang paa si Jun Castro na nadamay lamang sa aksidente at saka inihatid sa Jose B. Lingad Hospital.

Wala naman tinamong sugat ang sakay ng kotse.

Ilang oras ang nakalipas ay banggaan naman ng tricycle at jeep ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team sa nasabing baranggay.

Nagtamo ng malaking sugat sa ulo Lenard Serrera at sugat sa paa Manuel Rodriguez na sakay ng tricycle.

Matapos malapatan ng first aid ay dinala ang mga ito sa Jose B. Lingad Hospital.

Alas dose ng madaling araw nitong Linggo ay tinulunagn naman ng grupo ang motorcycle rider na si Jhoerell Fajardo naaksidente sa Barangay Sulipan, Apalit Pampanga.

Matapos malapatan ng first aid ay dinala ito sa Jose B. Lingad Hospital.

Alas dose y medya naman nitong Linggo ay nirespondehan ng UNTV News and Rescue ang bangaan ng jeep at van sa barangay Mabiga, Mabalacat City Pampanga.

Tinulungan ng grupo ang nakasakay sa jeep na si Michelle Manalo na nagtamo ng malaking bukol at saka dinala ito sa Mabalacat District Hospital.

Wala namang napinsala sa mga sakay ng van na bumangga sa nakaparadang jeep.

(Joshua Antonio/UNTV NEWS)

Tags: , ,