Final testing at sealing ng vote counting machines, sisimulan na ngayon araw

by Radyo La Verdad | May 2, 2016 (Monday) | 2657

VCM
Sisimulan ngayon araw hanggang sa Mayo 6 ang final testing at sealing o FTS ng mga vote counting machines o VCMs, na gagamitin sa May 9 elections.

Ayon sa COMELEC, alinsunod sa COMELEC Resolution 9981, layon ng FTS na matiyak na ang mga makina ay gumagana at nasa maayos na kondisyon bago ang halalan.

Sa FTS, magkakaroon ng end-to-end test, mula initialization ng mga VCM, pagboto ng nasa sampung tao, hanggang sa pagsalang ng mga accomplished ballot sa VCMs at pag-imprenta ng election returns.

Pagkatapos nito, ang mga VCM ay dapat selyado na at maikandado sa mga polling precint, at bubuksan lamang muli sa May 9, alas-singko ng umaga.

Nilinaw naman ng poll body na hindi simultaneous o hindi sabay-sabay na isasagawa ang FTS, ibig sabihin pwede ito isagawa anumang araw mula May 2 hanggang 6.

(UNTV RADIO)

Tags: ,