21st Philippine International Hot Air Balloon Fiesta sa Clark, Pampanga, nag-umpisa na ngayong araw

by Radyo La Verdad | February 9, 2017 (Thursday) | 1556


Alas tres palang ng umaga kanina nang magsimulang magdagsaan ang mga kababayan natin mula sa iba’t-ibang mga lugar sa Clark, Pampanga.

Ito ay upang saksihan ang 21st Philipine International Hot Air Balloon Fiesta.

Inaasahang aabot sa mahigit 50,000 local at foreign tourist ang dadating sa naturang event.

Mahigit dalampung balloons ang tampok sa pagbubukas ng hot air balloon fiesta dito na may iba’t-ibang hugis at kulay gaya ng bandila ng Pilipinas, bahay, kotse at ang pinakasikat na master yoda.

Tampok rin sa nasabing event ang paragliding, air show ng mga eroplano, at sa mga pamilya na pupunta maaari ring magpalipad ng saranggola.

Matatagal ang hot air balloon fiesta hanggang Feb.12, Linggo.

(Leslie Huidem / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,