Dinismiss ng Supreme Court ang petisyon ni Atty. Jessica Lucila “Gigi” Reyes na naglalayong mapawalang bisa ang kasong plunder na isinampa laban sa kanya sa Sandiganbayan kaugnay ng pork barrel scam.
Ayon sa Korte Suprema, walang nangyaring grave abuse of discretion sa panig ng Ombudsman at ng Sandiganbayan nang kasuhan si Reyes at iutos ang pag-aresto sa kanya.
Pinagtibay din ng mataas na hukuman ang mga kasong graft laban sa mga anak ni Janet Lim Napoles na sina Jo Christine at James Christopher.
(UNTV NEWS)