Paglilihim sa unang kasal ang problemang legal na papayuhan ni Atty. G sa episode ngayong Miyerkules sa Legally Yours Atty. G.
Magtatagisan ng pag-arte ang mga aktor na sina AJ Dee bilang letter sender na si Charlie at Miko Palanca bilang Rudy na syang unang asawa.
Makakasama rin ng dalawang aktor ang indie actress na si Katrina Medina bilang kanilang asawa.
Abangan ang kabuoang istorya ng buhay ni Charlie sa “ako…sya…asawa…” ngayong Miyerkules ng alas-siete hanggang alas-otso ng gabi sa Legally Yours Atty. G
(Adjes Carreon/UNTV NEWS)
Tags: AJ Dee, Katrina Medina, Legally Yours Atty. G, Miko Palanca