Senior citizen na nagtamo ng mga sugat matapos madapa, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team sa Bataan

by Radyo La Verdad | March 16, 2016 (Wednesday) | 1211

TMBB-BATAAN
Isang tawag mula sa concerned citizen ang natanggap ng UNTV News and Rescue Team tungkol sa isang lalaki na duguan ang mukha sa Limay Bataan pasado alas nuebe gabi ng lunes.

Kinilala ang biktima na si Danilo de Leon 67 yrs old, residente ng Sitio Mt.View Resort, Brgy. Cabcaben, Mariveles, Bataan.

Binigyan ng first aid ng UNTV News and Rescue Team ang mga tinamong sugat sa baba, bibig at tainga ni Mang Danny.

Ayon kay Mang Danny, nag-aabang sya ng bus pauwi sa kanila ng aksidenteng madapa habang tumatakbo pasakay sa humintong bus.

Matapos malapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue si De leon ay nagpahatid na lamang ito sa kanilang bahay

(Joshua Antonio/UNTV NEWS)

Tags: