Ikalawa sa most wanted person sa Region 1, arestado

by Radyo La Verdad | March 15, 2016 (Tuesday) | 1281

TOTO_MOST-WANRED
Iprenisenta sa media kanina sa Camp Diego Silang, San Fernando City, La Union ang ikalawa sa most wanted person na suspek sa serye ng nakawan sa mga eskwelahan sa La Union noong nakaraang taon.

Kinilala ang suspect na si Murphy As-Il na residente ng Alapang Bugias, Benguet. Nahaharap ang suspect sa patong patong na kaso kabilang na ang pagnanakaw at illegal possession of explosives na nangyari sa La Union, Cordillera at Metro Manila.

Naaresto ang suspek matapos ang joint operation ng Baguio City Police, Lupib, RIU14, RIU1, Atok MPS, CIDG Cordillera at CIDG Region 1 na isinagawa sa Sayangan, Atok, Benguet.

Kaugnay nito, umaasa si La Union Police Provincial Director P/SSupt. Angelito Dumangeng na matutuldukan na ang nakawan sa mga paaralan sa La Union dahil sa pagkakaaresto sa suspek.

(Toto Fabros / UNTV Correspondent)

Tags: , ,