5 patay sa matinding pagbaha sa Lousiana at Mississippi

by Radyo La Verdad | March 15, 2016 (Tuesday) | 4630
Pagbaha sa Lousiana at Mississippi(REUTERS)

Pagbaha sa Lousiana at Mississippi(REUTERS)

Umakyat na sa lima ang bilang ng mga nasawi sa pananalasa ng bagyo sa Southern U.S States na Lousiana at Mississippi.

Kabilang sa mga nasawi ang isang 78-year old na lalake sa Lousiana na nalunod matapos lumubog ang sinasakyan nitong aluminum boat habang nagsasalba ng ilang gamit.

Ayon sa Lousiana National Guard, mahigit tatlong libong residente na ang kanilang narescue.

Sa Mississippi dalawang mangingisda naman ang iniulat na nawawala.

Idineklara na ni US President Barack Obama na major disaster ang matinding pagbaha sa Lousiana upang magamit ang federal aid sa estado.

Tags: , , ,