2023 BSKE, itinuturing ng PNP na payapa sa kabila ng naitalang mga insidente ng karahasan

by Radyo La Verdad | October 31, 2023 (Tuesday) | 6452

METRO MANILA – Itinuturing ng Philippine National Police na naging mapaya ang idinaos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kahapon (October 30).

Sa kabila yan ng 16 na mga insidente ng karahasan na naiulat mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ayon kay PNP Directorate for Operations Deputy Director Bgen. Chito Bersaluna, wala namang malaking epekto ang mga ito sa kabuuan ng pagdaraos ng halalan.

Anim na insidente ng pamamaril ang naitala ng PNP sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) kahapon (October 30) kung saan 5 ang nasawi at 11 ang sugatan.

Tags: , ,