Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang magkakahiwalay na insidente sa Cebu, Pampanga at Bulacan

by Radyo La Verdad | March 14, 2016 (Monday) | 1180

TMBB
Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang dalawang sakay ng motorsiklo na bumangga sa isang kotse sa Brgy Basak, Mandaue City pasado alas onse kagabi.

Agad binigyan ng pang unang lunas ang driver ng motorsiklo na si Cecilio Cantago na nagtamo ng gasgas sa tuhod at ang angkas nito na si Loreble Cantago na iniinda ang pananakit ng likod at saka inihatid Sa Chung Hua Hospital.

Aksidente rin sa motorsiklo ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team sa Barangay Burol First Balagtas Bulacan noong sabado ng alas dyes ng gabi.

Nabundol ng motorcycle rider na si Wilson Rogelio ang papatawid naman na si Jeric Navarro.

Nagtamo ng mga sugat sa binti at braso ang rider na si Rogelio habang sumakit naman ang buong katawan ni Navarro matapos tumilapon sa kalsada.

Tumanggi ng magpahatid sa ospital ang dalawa matapos malapatan ng first aid

Sa Apalit Pampanga naman ay dalawa pang biktima ng motorcycle accident ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team kahapon ng alas onse ng umaga

Nilapatan ng pang unang lunas ng grupo ang sugat sa kaliwang paa ng driver ng motorsiklo na si Jermane balingit at ang angkas nito na si Reniere na nagtamo ng mga sugat sa magkabilang paa, pasa sa mga braso at posibleng bali sa kanang paa.

Matapos nito ay inihatid na ang dalawa sa Jose B Lingad Hospital.

(UNTV NEWS)

Tags: