Magpapatupad ng dagdag singil sa tubig ang Maynilad mula April 1.
Ayon sa Maynilad, ito ay dahil sa pagtaas ng Foreign Currency Differenctial Adjustment o FCDA.
Kinse sentimos ang madaragdag sa bill kada buwan ng mga kumukonsumo ng 10 cubic meters pababa.
Singkwenta’y siyete sentimos naman sa komukonsumo ng 20 cubic meters kada buwan habang piso at labing pitong sentimos naman sa 30 cubic meters.
Ang FCDA ay isang tariff mechanism para marecover ng mga utility companies ang kanilang lugi dahil sa pagbaba ng halaga ng piso.
Tags: Abril, Maynilad customers, Singil sa tubig, tataas