2016 Rio Olympic Silver Medalist Hidilyn Diaz, pararangalan din ng AFP

by Radyo La Verdad | August 19, 2016 (Friday) | 937
Female weightlifter Hidilyn Diaz(REUTERS)

Female weightlifter Hidilyn Diaz(REUTERS)

Pangungunahan sa Lunes nina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief Of Staff Ricardo Visaya ang awarding ceremony kay 2016 Rio Olympic Silver Medalist Hidilyn Diaz.

Isasagawa ito sa general headquarters ng Armed Forces of the Philippines sa Camp General Emilio Aguinaldo kasabay ng kanilang flag raising ceremony sa August 22.

Tiniyak naman ng Sandatahang Lakas ng bansa na hindi nila pababayaan ang pangangailangan ni Diaz bilang isang sundalo o airwoman first class ng Philippine Airforce.

Ayon kay Brigadier General Tumanda, ang Airforce Special Services Group ang namamahala sa mga sports activity ng PAF at paglahok ng kanilang mga atleta sa olympic games, sea games at iba pang local competition na sinasalihan ng AFP at PNP Olympics.

Layon nilang mas lalong maging produktibong sundalo si Diaz.

Sa kasalukuyan ay may mahigit tatlumpung national athletes ang airforce na lumalahok sa ibat-ibang international sports activities sa larangan ng dragon boat, taekwondo, weigthlifting, valleyball, softball at boxing.

(Bryan De Paz / UNTV Correspondent)

Tags: ,