201-year-old na pedestrian Iron Bridge, pamoso pa rin sa bansang Ireland

by Radyo La Verdad | December 25, 2017 (Monday) | 1385

Ipinagmamalaki ng Dublin City sa Ireland ang 201-year-old pedestrian bridge na Ha’penny Bridge. Ang charming iconic arc na ito ay recorded na isa sa pinakamatandang Iron Bridge sa buong mundo. Opisyal itong binuksan noong May 19, 1816.

Una itong pinangalanan ng Wellington Bridge, alinsunod sa isang Dublin-Born Duke of Wellington. Pinalitan ito ng Liffey Bridge dahil ito ay nag-uugnay sa dalawang parte ng Liffey river.

Subalit mas nakilala ito sa pangalang Ha’penny Bridge dahil matapos ang sampung araw na libreng pagtawid sa tulay, pinasimulang pagbayarin ang publiko ng half of the penny. Pero sa kasalukuyan, libre na uli ang pagtawid sa pedestrian bridge.

Naging venue na rin ng “Promise of Love” ang ang Ha’penny Bridge gaya ng mga tulay sa Paris at New York kung saan nag-iiwan ang magkasintahan ng kanilang love locks sa tulay.

Dahil sa dami, nagtanggal na ang Dublin City Council ng may 300 kilograms na kabuuan ng lovelocks noong 2012.

At upang makaiwas na rin sa hindi inaasahang trahedya, pinakiki-usapan ang mga turista na huwag nang magdagdag nang magdagdag ng mga locks na nakakabigat sa tulay.

 

( Cynthia Brul / UNTV Correspondent )

Tags: , ,