Sunog sumiklab sa isang abandonadong bahay sa Caloocan

by Radyo La Verdad | March 11, 2016 (Friday) | 2758

BFP
Idineklara na fire out kaninang 03:28 ng umaga ang sunog na nangyari sa Jose Abad Santos Grace Park Caloocan

Nagsimulang sumiklab ang apoy dakong 2:55 ng umaga at tumagal lamang ng tatlumpong minuto.

Dalawang bahay ang natupok habang tatlong pamilya ang apektado dahil sa nangyaring sunog.

Sa inisyal ng imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa isang abandonadong bahay.

Umabot lang sa first alam ang sunog at walang naitalang sugatan o nasawi dahil sa insidente.

(Reynante Ponte/UNTV RADIO)

Tags: ,