20% student discount sa pamasahe, pinalawig ng LTFRB

by Radyo La Verdad | October 24, 2017 (Tuesday) | 2195

Nilagdaan na ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board  o LTFRB  Chairman Martin Delgra ang  memorandum circular na nagpapalawig sa 20-percent discount na pamasahe ng mga estudiyante.

Nakasaad sa  memorandum na may 20 percent discount  sa pamasahe ang mga mag-aaral mula Lunes hanggang Linggo, gayundin sa mga legal holidays at summer break.

Hindi  sakop ng  diskwento ang mga post-graduate student, kumukuha ng medicine, law at iba pang mga masteral at doctorate degrees.

Magiging epektibo ang 20 percent discount labinlimang araw makalipas na mailathala ito sa mga pahayagan.

 

Tags: , ,