Manila, Philippines – Ayaw na raw patulan ni senatoriable Christopher Bong Go, ang isyu tunkol sa umano’y tattoo, na ibinibintang sa video ni alyas bikoy.
Pero sa bagong video ni bikoy, ginamit nito ang video ng isang laro ni Go, sa untv cup executive series. Kung saan may anino ng isang marka na sinasabi nyang isang tattoo.
Una nang naglabas ang untv ng mga larong nilahukan ni go, kung saan una itong naglaro, na walang anumang marka sa likod, gayundin sa ikalawa nitong laro.
Sa ikatlong laro lamang kinakitaan ng animo’y bahid ang kanyang likod. Pero sa ika-apat hanggang ika-pito na huli nyang nilaruan, wala na muling nakita.
Madali raw ipaliwanag iyon kay bikoy at maging sa mga kritiko, dahil ayon kay go, marka lamang iyon ng kanyang pagpapa-ventosa.
Samantala, ekslusibong natunton at naka-panayam ng untv news team, ang dalawang ventosa therapist ni Go.
Sa unang therapist ni go, sinabi nitong anim na taon nang nagpapaventosa sa kanya ang dating kalihim.
Sya rin umano ang nag-ventosa kay go, ilang araw, bago ang laro nito noong mayo a-trese ng nakaraang taon. Iyon raw marahil ang markang nakita sa bidyo ng untv cup.
Ang ikalawang therapist naman ni Go, ang sya umanong nag-ventosa sa kalihim, isang araw bago ito humarap at ipakita ang kanyang likuran sa media nitong April 9,2019.
Ilan ito sa mga opisyal na kuha ng mga photographers ng untv cup. Malapitan at malinaw. At batay sa mga kuhang iyon, masasabing walang marka o umano’y tattoo sa kanyang balat, sa bahagi ng kanyang likuran na hindi natatakpan ng kanyang uniporme.
Ayon sa mga nagve-ventosa kay go, walang anOmang tattoo si Go sa kanyang likuran.
Ayon sa mga nagve-ventosa kay go, depende kung ilang araw o linggo, tumatagal ang mga pantal o marka ng ventosa.
Ayon kay go, hindi na bago sa kanila ang ganitong estilo ng aniya’y black propaganda, para ibagsak ang duterte administration, lalo pa’t panahon ngayon ng election. Dagdag pa ni go, malaki ang kanilang duda na nakabangga ni pangulong Rodrigo Duterte ang may kagagawan nang mga paninirang iyon hindi lang sa kanya, maging sa pamilya ng pangulo, para masira ang administrasyon.
(Janice Ingente | Untv News)
Tags: Former Special Assisstant to the President Christoper Bong Go