2 sundalo nasawi sa ambush ng Abu Sayyaf group sa Basilan

by Radyo La Verdad | June 6, 2016 (Monday) | 1215

SUMISIP-BASILAN
Dalawang sundalo ang nasawi sa ambush ng Abu Sayyaf Group sa Brgy. Tumahubong, Sumisip Basilan.

Pinagbabaril ng tatlong miyembro ng ASG ang dalawang tauhan ng Alpha Company 64th Infantry Battalion.

Lulan ng motorsiklo ang dalawang sundalo pabalik na sana sa kanilang post nang tambangan ng mga miyembro ng teroristang grupo.

(UNTV RADIO)

Tags: ,