2 sugatan sa banggaan ng motor at tricycle sa Bulacan, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | November 28, 2016 (Monday) | 1028

nestor_tmbb
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang banggaan ng tricycle at motorsiklo sa Mc Arthur Highway sa Barangay Burol First, Balagtas, Bulacan kaninang ala una ng madaling araw.

Gagas sa iba’t-ibang parte ng katawan at hiwa sa likod ang tinamo ng driver ng motorsiklo na si Rv Framo, 18 years old ng Barangay Wawa,Balagtas.

Nagtamo rin ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tumilapong pasahero ng nabanggang tricycle na kinilalang si Ivan Oskee Martin, 26 years old.

Kwento ni Ivan, pauwi na sana siya nang biglang mabangga ng motorsiklo ang kanyang sinasakyan.

Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng grupo ang dalawa at dinala sa Bulacan Medical Center sa Malolos para sa karagdagang atensyong medikal.

Nagkasundo naman ang dalawang panig na sasagutin ng driver ng motorsiklo ang pagpapagamot ni Ivan.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: ,