2 sugatan sa aksidente sa motorsiklo sa Laguna, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | October 27, 2016 (Thursday) | 2282

sherwin_tmbb
Nadatnan ng UNTV News and Rescue Team ang driver ng motorsiklo na nakahiga pa sa kalsada matapos sumemplang sa national highway ng boundary ng Binan at San Pedro sa Laguna mag-aalas nueve kagabi.

Nagtamo ang biktima na kinilalang si Dennis Solomon, 38 anyos ng sugat sa mukha at bibig.

Samantala, gagas naman sa mga tuhod ang braso ang tinamo ng angkas nito na si Lovely Albasiete.

Agad namang nilapatan ang mga ito ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue.

Ayon kay Lovely, nawalan ng kontrol si Solomon nang iwasan nito ang isang kotse na umano’y gumitgit sa kanila.

Matapos bigyan ng first aid ng grupo ang mga biktima ay dinala na ito ng San Pedro Rescue sa Jose Amante Hospital para sa karagdagang atensyong medikal.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: ,