2 sakay ng tricycle na naaksidente sa Mandaue City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | March 13, 2017 (Monday) | 1046


Nadatnan ng UNTV News and Rescue Team na nakaupo pa sa gilid ng kalsada ang dalawang biktima matapos maaksidente ang sinasakyang tricycle sa maguikay, mandaue city mag-aalas onse kagabi.

Kinilala ang mga biktima na si Floramay Baranggan, dalawamput isang taong gulang na nagtamo ng galos sa kanyang mukha at kamay at ang kasama nitong pasahero na si Reggie Cananes, dalawampung taong gulang na nagtamo naman ng gasgas sa g bisig at pasa sa kanang paa.

Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng grupo ang dalawang biktima bago dinala sa Mandaue District Hospital para sa karagdagang atensyong medikal.

Kwento ng ilang nakakita sa pangyayari, isang jeep ang bumangga sa sinasakyang tricycle ng mga ito sa kahabaan ng M.L Quezon street.

Hindi naman tumigil ang jeep matapos ang insidente ngunit naaresto rin ang driver nito nang muling makabangga sa may Talamban area.

Inanyayahan naman ng pulisya ang dalawang biktima sa kanilang opisina upang harapin ang jeepney driver at sampahan ng kaukulang kaso kung kanilang gugustuhin.

(Marlhon Abique / UNTV Correspondent)

Tags: , ,