2 sakay ng motorsiklo na naaksidente sa Q.C., tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | January 17, 2017 (Tuesday) | 1680

REYNANTE_TMBB
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang natanggap na tawag hinggil sa vehicular accident sa Quirino Highway sa Barangay Kaligayahan, Quezon City kaninang alas dose ng hating gabi.

Pagdating ng grupo sa lugar, nakahandusay pa sa kalsada ang dalawang biktima na kinilalang sina Jefrrey Solidum at Jonathan Coritana.

Ayon nakakita sa aksidente, mabuhangin ang lugar dahil sa ginagawang proyekto ng Maynilad.

At dahil matulin ang takbo, dumulas ang motor at pumailalim pa sa nakaparadang truck.

Agad naman inasses ng UNTV News and Rescue ang kalagayan ng mga biktima at nilapatan ng pangunang lunas ang mga tinamong nitong pinsala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Dahil din sa posibleng mga bali sa braso at binti at head injury ng mga biktima, dinala ng grupo ang mga ito sa East Avenue Medical Center para karagdagang atensyong medikal.

(Reynante Ponte / UNTV Correspondent)

Tags: ,