2 Pulis sugatan sa pagsabog ng landmine at pamamaril ng mga hinihinalang NPA sa Jiabong, Samar

by Radyo La Verdad | July 27, 2017 (Thursday) | 2388


Dalawang pulis ang nasugatan sa naganap na pagsabog ng improvised explosive device na hinihinalang itinanim ng New People’s Army sa Barangay Jia-an, Jiabong, Samar, kahapon ng tanghali.

Pinagbabaril din umano ng mga armadong kalalakihan ang mga pulis.Kinilala ang mga biktima na sina PO1 Roan Ralph Sabanal at PO1 John Cervantes ng Catarman Northern Samar Municipal Police.

Ayon kay Samar Provincial Director Police Senior Superintendent Nicolas Torre, patungong Tacloban ang dalawang pulis nang mangyari ang pagsabog.

Tags: , ,