Nakatakdang iharap ngayong umaga sa media ni PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa ang dalawang itinuturing na ‘persons of interest’ sa tangkang pambobomba sa Roxas Boulevard noong Lunes.
Kinilala ang isa sa mga ito na si Rayson o Rashid Kilala, 34 anyos, residente ng Brgy.Bagumbayan sa Bulakan habang ang isa naman ay taga-Caloocan City.
Inimbitahan ng pulisya ang dalawa kahapon para isailalim sa interrogation lalo’t malaki ang pagkakahawig ng isa sa mga ito sa computer-generated sketch ng suspek.
Nabuo ang sketch batay na rin sa mga nakuhang detalye mula sa mga informant.