2 nasugatan sa aksidente sa Minalin Pampanga, sinaklolohan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | July 25, 2016 (Monday) | 1344

JOSHUA_TMBB
Gasgas sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng dalawang lalake matapos mabangga ng tricycle ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Mc Arthur Hiway Barangay Sto.Domingo, Minalin Pampanga.

Agad na tinulungan ng grupo ang mga biktima na kinilalang sina Aaron Dominguez, 21 anyos at Emmanuel Aquino, 23 anyos, na pawang mga residente ng San Simon.

Ayon sa mga biktima binabagtas nila ang national road bandang alas onse kagabi nang mabangga ang kanilang motorsilo ng tricycle na nagtangka umanong mag-overtake.

Humingi naman ng dispensa ang driver ng tricycle na napag-alamang kaibigan pala ng dalawa.

Matapos malapatan ng pangunang lunas ang mga biktima ay tumanggi nang magpadala ang mga ito sa hospital.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: ,