2 LPA sa PAR, posibleng maging bagyo sa loob ng 24 oras

by Radyo La Verdad | June 1, 2018 (Friday) | 2114

Posibleng maging bagyo ang 2 LPA na nasa Philippine area of responsibility.

Namataan ang mga ito ng PAGASA sa 335 km west southwest ng Puerto Princesa City, Palawan at sa 900km east southeast ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Makararanas ng malalakas na pag-ulan ang Palawan, Western at Eastern Visayas at malaking bahagi ng Mindanao.

Ayon sa PAGASA, sa loob ng 24 na oras ay maaaring maging bagyo ang mga LPA at papangalanan itong Domeng at Ester.

Sa ngayon ay pinag-aaralan pa ng PAGASA kung tatama ito sa bansa subalit inaasahang sa susunod na linggo ay magpapaulan ang mga ito sa bansa.

 

Tags: , ,