2 lalaking sangkot sa vehicular accident tinulungan ng UNTV News and Rescue sa Naga City

by Radyo La Verdad | March 11, 2016 (Friday) | 1766

ALLAN_TMBB
Agad tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang sugatang backrider matapos tumumba ang sinasakyan nitong motorksiklo sa Misericordia St. Panganiban drive Naga City pasado ala-una kaninang madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Mang Rogelio Latam na nagtamo ng galos sa paa at kamay.

Ayon sa salaysay mismo ni mang rogelio hindi na nakontrol ng drayber ng motorsiklo ang manibela ng sasakyan kung kaya’t sumemplang sila.

Dagdag pa nito hindi nag-signal light ang nasa unahan nilang motor na noo’y liliko sana pakanan kung kaya bumangga sila sa nasabing motorsiklo.

Pinatutuhanan naman ito ng driver ng isa pang motorsiklo na sangkot din sa aksidente na kinilalang si Vhon Mendones 23 anyos at taga Brgy. Triangulo, Naga City.

Agad naman rumisponde ang grupo matapos makatanggap ng tawag.

Pagdating sa lugar, nadatnan ng grupo na iniimbestigahan na nang mga otoridad ang insidente.

Hinarap naman ng grupo ang mga biktima sa aksidente para malapatan ng pangunang lunas.

Matapos na matulungan ng grupo ang mga biktima tumanggi na ang mga ito na magpadala pa sa ospital

Isinama naman ng mga otoridad ang mga sangkot sa aksidente para sa karagdagang imbestigasyon sa pangyayari at papanagutin kung sino ang may sala.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,