2 lalaking nasugatan sa paa, tinulungan ng UNTV News and Rescue sa Nabua, Camarines Sur

by Radyo La Verdad | November 3, 2016 (Thursday) | 1379

allan_tmbb
Halos magkasunod na lumapit sa UNTV News and Rescue 1st aid station ang dalawang lalaking iniinda ang tinamong sugat sa kanang paa sa nabua cemetery, nabua camarines sur noong martes.

Unang lumapit ang 16 anyos na si Jonas Corporal na taga-San Miguel, Nabua, CamSur.

Aniya hindi niya napansin ang nakausling bato sa daan patungo sementeryo dahilan para matalisod sya at masugatan.

Agad naman nilapatan ng paunang lunas ng grupo ang tinamong sugat ng binata.

Di nagtagal lumapit naman si Ronnie Ricafrente na taga-Lourdes Young, Nabua, CamSur.

Batay sa salaysay ni Ricafrente, natalisod umano sya sa isang nakausling semento sa isang daan ng Nabua cemetery pasado alas tres ng madaling araw.

Matapos lapatan ng paunang lunas tumanggi na ang dalawang biktima na magpadala pa sa ospital.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,