2 lalaki, patay sa shooting incident sa Quezon City

by Radyo La Verdad | May 26, 2016 (Thursday) | 1351

PATAY-04
Patay sa pursuit operations na isinagawa ng Quezon City Police District ang dalawang lalaking hinihinalang drug pusher sa bahagi ng Quirino Highway, Barangay Lagro sa Quezon City dakong alas dos y medya kaninang madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Toto at Bombay at kasapi umano ng Joselito Gonzales Group na kilala na nagooperate ng mga bawal na droga sa Quezon City.

Ayon kay Police Senior Superintendent Joselito Esquivel ng Quezon City Police District magsasagawa sana ng drug buybust operation ang mga tauhan ng District Anti Illegal Drugs Group isang fast food chain sa Barangay Lagro.

Target ng buy bust operation ang dalawang suspek ngunit nakatunog umano ang mga ito at biglang tumakas.

Nang-carnap pa ang mga ito ng isng taxi na syang ginamit na get away vehicle.

Hinabol ng mga pulis ang dalawa at nagkaroon ng palitan ng mga putok.

Napuruhan ang mga suspek at nabangga pa sa pader sa gilid ng kalsada ang tinangay ng mga ito na taxi.

Narekober sa crime scene ang 5 bulto ng hinihinalang shabu na tinatayang may street value na mahigit isang daang libong piso, dalawang 38 caliber pistol, at 18 basyo ng bala.

Nakita din ng mga otoridad ang athletic police uniform sa loob ng taxi na ginamit umano ng mga suspek upang tangayin ang naturang taxi.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagkakakilanlan sa mga suspek.

(Reynante Ponte/UNTV NEWS)

Tags: ,