2 hinihinalang drug pusher patay, matapos manlaban sa mga PNP sa San Fernando Pampanga

by Radyo La Verdad | July 5, 2016 (Tuesday) | 1276

PATAY
Dead on the spot ang dalawang hinihinalang drug pusher sa San Fernando, Pampanga matapos manlaban sa mga pulis.

Tinangkang pasukin ng mga otoridad ang bahay na tinutuluyan ng mga ito nang pinaputukan sila ng baril ng mga suspek.

Gumanti naman ng putok ang mga otoridad at dito na napatay ang dalawa.

Ayon sa mga residente rito, hindi nila kilala ang dalawang napatay at bago lang din umano ang mga ito sa lugar.

Sa kasalukuyan ay nasa Quizon Funeral Service ang labi ng mga suspek na di na pinangalanan ng mga otoridad.

(Joshua Antonio/UNTV Radio)

Tags: , ,