2 biktima sa motorcycle accident sa Quezon City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | September 7, 2016 (Wednesday) | 1401

REYNANTE_TMBB
Isang tawag mula sa Barangay Balong Bato sa Quezon City ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team hinggil sa nangyaring motorcycle accident sa bahagi ng Baesa Road pasado alas dose ng madaling araw kanina.

Naabutan ng grupo na nakabulagta pa sa gilid ng kalsada ang isang biktima na si Mark Anthony Bue, 30 anyos habang nakaupo naman sa gutter si Jonel Mercader, 35 anyos.

Agad na nilapatan ng pang unang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang mga sugat ng mga biktima.

Halatang disoriented din ang mga ito dahil hindi makausap ng maayos kayat kapwa sila dinala sa emergency room ng MCU hospital para sa atensyong medikal.

Naging mabilis namang maipalam sa kamaganak ng mga biktima ang sinapit ng mga biktima dahil na din sa identification card ng mga ito.

Ayon sa inisyal na ulat ng mga otoridad pauwi na sila habang maulang binabaybay nito ang Baesa Road nang biglang bumangga ang kanilang motorsiklo sa gutter at tumilapon ang mga ito sa kalsada.

(Reynante Ponte / UNTV Correspondent)

Tags: ,