2 biktima ng motorcycle accident, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | February 6, 2017 (Monday) | 1403


Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang vehicular accident sa Barangay Sta. Rita, Guiguinto, Bulacan noong Sabado.

Dalawang lalakeng sakay ng motorsiklo ang sumemplang at bumangga sa isang pampasaherong jeep.

Agad na tinulungan ng grupo ang driver nito na kinilalang si Reggie Pida na nagtamo ng mga sugat at gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Habang ang angkas naman nitong si Alwin Gubanes ay tinulungan ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.

Matapos malapatan ng pang unang lunas ay dinala na ang mga biktima sa Bulacan Medical Center sa Malolos para sa karagdagang atensyong medikal.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: ,