2 biktima ng motorcycle accident sa Pangasinan, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | November 24, 2017 (Friday) | 3201

Mag-aalas dose ng hating gabi kagabi habang binabaybay ng UNTV News and Rescue Team ang bayan ng Umingan, Pangasinan nang may mapansin ang dalawang lalakeng nakaupo sa gitna ng kalsada.

Agad ini-assess ng grupo ang dalawa na may galos sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Nilapatan ng first aid ng UNTV Rescue ang mga biktima na kinillang sina Romeo Pascua, bente singko anyos at Edmund Lug-A, kuwarenta anyos.

Ayon sa mga biktima, galing sila sa isang kasiyahan at aminadong nakainom ng alak. Habang papauwi ng bahay sakay ng motorsiklo ay may bigla umanong tumawid na aso sa kalsada dahilan upang mawalan sila ng control at sumadsad sa kalsada.

Pagkatapos malapatan ng paunang lunas  ay inihatid na ng grupo ang dalawa sa pinakamalapit na hospital.

 

( Grace Doctolero / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,