2 biktima ng motorcycle accident sa Laguna, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | December 19, 2016 (Monday) | 1138

sherwin_tmbb
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang banggaan ng isang van at motorsiklo sa national highway ng Barangay Nueva, San Pedro, Laguna pasado alas onse ng gabi nuong Sabado.

Nagtamo ng paso sa kanang binti ang mga biktima na kinilalang sina Charmaine Cruz at Sharmaine Velasco matapos madikit sa tambutso ng kanilang sinasakyang motorsiklo.

Agad naman itong nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue at ng San Pedro Rescue.

Sa inisyal na imbestigasyon mabilis ang takbo ng motorsiklo kaya bumangga sa kasalubong na van.

Tumanggi namang magpadala sa ospital ang mga biktima matapos mabigyan ng first aid.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , ,