2 biktima ng aksidente sa motorsiklo sa Zamboanga City, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | October 15, 2018 (Monday) | 16778

Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang dalawang lalaking ito sa Zamboanga City matapos masangkot sa aksidente sa motorsiklo noong Sabado ng madaling araw sa Guiwan Highway.

Kinilala ang mga biktima na sina Raffy Aidil Puntakan, 21 taong gulang at Francis Dela Cruz, 33 taong gulang.

Nabangga ng motorsikolong minamaneho ni Puntakan ang parking attendant na si Dela Cruz. Matapos maiparating sa UNTV News and Rescue ang insidente ay agad na rumesponde ang grupo sa lugar.

Agad nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV Rescue ang mga sugat ng biktima.

Pagkatapos mabigyan ng first aid ay dinala ng grupo ang dalawa sa Zamboanga City Medical Center para sa karagdagang atensyong medikal.

Samantala, dinala naman ang motorsiklo ni Raffy Aidil sa himpilan ng pulisya para sa imbestigasyon.

Maaari itong maharap sa kasong reckless imprudence resulting to physical injury.

 

( Dante Amento / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,