2 arestado sa buy bust operation ng PDEA sa Parañaque City; 2 kilo ng hinihinalang shabu nasabat

by Radyo La Verdad | April 28, 2016 (Thursday) | 1736

REYNANTE_SHABU
Huli ang dalawang suspek sa buy bust operation ng tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa parking area ng isang mall sa Sucat, Paranaque City alas sais y medya kagabi.

Nagpanggap ang operatiba ng PDEA na bibili ng isang kilo na shabu na nagkakahalaga ng walong daang libong piso sa dalawang suspek na kinilalang sina Mark Chu Tiu,38 anyos at Cherry Ann Trinidad, 41 anyos.

Nang magkaabutan ng pera ay dito na pinosasan ang mga suspek at nakumpiska pa sa kanila ang isang bag na naglalaman ng dalawang plastic na may illegal na droga.

Umabot sa dalawang kilo na hinihinalang shabu ang nasabat sa mga ito na may street value na 10 milyong piso.

Ayon kay PDEA Regional Director Erwin Sangre Ogario, ilang buwan na din nila tinitiktikan ang mga suspek na nagbebenta ng illegal na droga sa south area ng Metro Manila.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , , ,